121

Aug 4, 2020 @ 15:12
By

Kuya Kim nagsalita sa gumalang ostrich sa QC

Nagulantang ang mga residente ng isang private subdivision sa Quezon City matapos na masilayan ang dalawang ostrich na pagala-gala sa kanilang lugar.

Sa kuhang video ni Dino Rivera, makikita ang ostrich na naglalakad sa subdivision,

Instant trending tuloy ang adventure-themed flick na Jumanji dahil sa pagsulpot ng naturang ibon na tanging sa zoo lang madalas makita.

At dahil sa viral na ostrich, inunahan na ni ‘Matanglawin’ Kuya Kim na ipaliwanag ang kanyang sarili bago siya idikit sa naturang hayop.

Aniya, hindi siya ang may-ari ng nasabing ibon na ikinaaliw ng mga netizen.

“Breaking news: Hindi po sa akin ang Ostrich na nakawala sa QC. thanks,” sey ni Kuya Kim.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?