164

Mar 4, 2021 @ 23:15
By

Kuya Kim nabuwisit sa Lazada

Kinalampag ni Kuya Kim Atienza ang online shopping site na Lazada dahil sa ginamit na litrato na tila nagmumungkahi ng “date rape”.

Sa kanyang Twitter, hindi natuwa si Atienza sa advertisement para sa isang deep-sleep spray product ng Lazada, na may larawan ng natutulog na babae na nakalantad ang isang suso.

“Shame on you @LazadaPH. Do you even know what you are selling? Is this even legal? I’m calling you out. Shame,” tweet ni Atienza kasama ang screenshot ng naturang advertisement.

Binigyang-diin ni Atienza na pinagbibili man ang produkto para sa insomnia, iba ang iminumungkahi sa larawan na tila “date rape sleep spray”.

“A date rape sleep spray or whatever they wish to call it is unacceptable and has to be called out. If it’s for insomnia I’d understand but the pic?”

“Could be useful for married couples. But a spray that may be used for date rape as the pic implies? Am I putting too much ill meaning on the ad? A half naked sleeping kid to advertise a sleeping spray,” dagdag niya.

Makalipas ang isang oras ng pagkaka-post ni Kuya Kim ay nag-reply dito ang Lazada at sinabing iniimbestigahan na ang isyu.

Pero ani Kuya Kim: “Your ad is still out as your team investigates.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?