280

Dec 25, 2018 @ 12:24

‘Kuya’ Kim may kakaibang regalo kay Snow Belo

Matapang na sinalubong ni Scarlet Snow Belo ang kaniyang ninong na si Kim Atienza bitbit ang kakaibang regalo nito.

Sa pagbisita ni Kim Atienza sa anak nina Dra. Vicky Belo at Hayden Kho, dala nito ang mga alagang python na ikinatuwa ng batang si Scarlet Snow.

Malaki ang pagkakangiti ni Scarlet Snow sa litrato sa isang Instagram post ni Atienza kung saan nakasabit ang python sa leeg ng bata.

Nag post din sa IG si Vicky Belo ng litrato ni Snow na may nakalambitin na ahas sa leeg.

Saad ni Belo sa kaniyang post, napakatapang ni Snow at ito mismo ang nag sabi na ilagay ang ahas sa kaniyang leeg.

Jobelle Macayan

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?