28

Oct 6, 2021 @ 16:49
By

Kuya Kim kakalabanin si Vice, trip umeksena Bubble Gang

Bukod sa pagbibigay ng bagong kaalaman tungkol sa exotic animals at sa kalagayan ng panahon sa bansa, gusto namang subukan ni Kuya Kim Atienza ang magpatawa.

Aniya, gusto niya rin maranasang lumitaw sa Bubble Gang at makatrabaho si Bitoy.

“Gusto kong lumabas sa Bubble Gang. Alam mo si Bitoy (Michael V.), matagal ko nang kaibigan, at I’m sure alam na niya na Kapuso na ako eh,” ani Kuya Kim.

“Gusto kong lumabas sa Bubble Gang, gusto kong magpatawa lang doon,” dagdag pa niya.

“Kaya lang baka hindi ako payagan doon. It might be against my equity, pero iingatan ko naman ‘yung viewers ko doon. Pero tawang tawa ako kay Bitoy, isa siyang henyo, and I’d like to be in his show.”

Bukod kay Kuya Kim, una nang nagpahayag ng kanilang interes sa pagsali sa Bubble Gang Squad sina dating Kapamilya Xian Lim at Richard Yap.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?