42

Oct 5, 2021 @ 15:18
By

Kuya Kim di papalag kay Mang Tani: Siya best weatherman ng Pinas!

Maging si Kuya Kim ay hands down kay Kapuso resident weatherman Mang Tani.

Kaugnay nito, nilinaw ni Matanglawin host na hindi niya papalitan si Mang Tani o Nathaniel Cruz sa tunay na buhay sa “IMReady” forecast ng “24 Oras.”

Aniya, si Mang Tani na kasi ang pinakaswak sa naturang news show.

“I will not be doing weather because you have the best weatherman in the Philippines. You have Mang Tani,” ani Kuya Kim.

Ayon sa ulat ng GMA News, magiging bahagi ng “Mars Pa More” si Kuya Kim.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?