177
arnold-clavio
By

Kuya Germs pararangalan sa show ni Arnold Clavio

Nami-miss niyo na ba ang mga idolo niyo sa That’s Entertainment? Well, dahil walong taon na ang kuwentuhan, tawanan, at musika sa Tonight with Arnold Clavio, kaya ngayong gabi (April 4), Back to the ‘80s ang tema ng 8th anniversary episode ng programa ni Arnold Clavio.

Kung ‘80s ang usapan, pasok na pasok diyan ang That’s Entertainment. Kaya naman humanda na sa tawanan at kuwentuhan kasama ang walo sa nag-graduate sa That’s Entertainment –sina Ara Mina, Nadia Montenegro, Sharmaine Arnaiz, Donita Rose, Keempee De Leon, Chuckie Dreyfus, Jojo Alejar, at Isko Moreno.

Ano nga ba ang latest happening sa buhay nila? Sabay-sabay silang magbabalik-tanaw sa dekada 80 na isa raw sa pinakamasaya at makulay na era pagdating sa music, fashion, TV, at pop culture!

Babalikan din ng TWAC kung paano nadiskubre sa showbiz ang That’s Entertainment alumni pati ang kanilang memorable experiences bilang miyembro ng That’s Entertainment noon.

Hindi rin makakaligtas sa tatak TWAC game na Nasubukan mo na ba? sina Isko, Ara, Jojo, Sharmaine, Chuckie, Keempee, Nadia at Donita. At ang mga karanasang pag-uusapan sa segment na ito ay may kinalaman lahat sa pagiging batang ‘80s.

Syempre, hindi makukumpleto ang mini-reunion kung hindi sila magbibigay-pugay sa ‘heart and soul’ ng That’s Entertainment—ang nag-iisang Master Showman na si German ‘Kuya Germs’ Moreno.

Samahan si Igan sa espesyal na pagdiriwang na ito ngayong Miyerkules sa Tonight with Arnold Clavio, 10:15 p.m. sa GMA News TV.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?