30

By

Kuya E wagi bilang Novelty Artist of the Year ng PMPC

Sharing is caring!

Si Kuya E (Neo de Padua in real life) ang winner sa kategoryang Novelty Artist of the Year ng PMPC Star Awards For Music 2017-2018 last September 9 na ginanap sa Resorts World Manila.

‘Tinapay’ ang kantang napanalunan ni Kuya E. Tuwang-tuwa ang singer-host ng ‘RYTS’ (Rule Yourself To Success) nang tanggapin nang personal ang tropeo. Hindi raw niya akalain na bibigyang halaga ng PMPC ang kanyang awit na naisip niyang i-compose dahil sa eksperyensyang nagtitinda siya noon ng pandesal tuwing umaga. 12 years old daw siya nu’ng time na ‘yun.

Sa mga hindi nakakaalam, cancer survivor si Kuya E. Kwento niya, nu’ng ma-detect na siya ay may stage 3 cancer sa colon, iisa ang naging hantungan niya.

“Pray… pray… pray…,” ‘yun ang naisip kong unang gawin. Tanggap ko na rin agad ang lahat. Wala kasi kaming pera para magpa-doktor. Saka mga herbal ang mga gamot ko. Nagpapa-check-up din naman ako, pero much more on herbal lang talaga ako.

“Now here, I am… in God’s will… magaling na ako. Iba talaga ang nagagawa ng herbal medicine lalo na ang luya at food supplement ang nakatulong sa akin,” ani Kuya E.

Sa sariling pagsisikap ay naiangat ni Kuya E ang buhay ng kanilang pamilya. Isa siya ngayong inspirational speaker na nagmula sa hirap hanggang umangat ang buhay. Ibinabahagi niya ang kanyang kaalaman kung ano ang sekreto para maging successful sa buhay. Ngayon isa nang successful businessman si Kuya E.

Isa na rin siyang host sa inspirational TV show, ang RYTS na napapanood sa Net 25 tuwing Sabado, 4 p.m.

Ang mga guest ni Kuya E ay mga taong may inspiring success stories na sinishare sa televiewers.

Sa September 18 ay may concert si Kuya E na gaganapin sa Music Museum, titled Rule Yourself in Concert, 6 p.m.

Bale second concert ito ni Kuya E, na ang mga guest ay sina Maricar Aragon, Aikee, Ian Badajos, Angel Rillera, Kids Overload at Mikee Misalucha.

Ang kikitain ng concert ni Kuya E ay mapupunta sa cancer patients na ina-assists ng Kuya E’s Big Eyes Foundation.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?