266

Oct 31, 2017 @ 18:02

Kuwentong Undas: Mga prayleng walang ulo sa Malacañang

Tuwing  panahon ng  Undas  ay  sari-saring  kuwento ang naririnig sa  mga  matagal ng  empleyado  sa  Malacañang kaugnay sa  mga  hindi pangkaraniwang bisita.

Bagamat  maraming salin-saling  kuwento, ilan sa  mga  empleyado  ng  Palasyo ang  nagkaroon  ng  direktang  karanasan sa  mga  kakaibang elemento sa  ilang  mga tanggapan sa  Malacañang.

Isa sa  mga  hindi makalimutan ng staff  na  si Beldad Gantalo ang nakitang  Prayle na  pugot  ang  ulo sa  isa sa  mga  kuwarto sa  Press  Working  Area  na  nasa  New Executive  Building  o mas  kilala sa  tawag  na  “Borloloy  Building” noong  panahon ng  Marcos administration.

“Biyernes  noon at  wala  ng tao sa “bat cave”  kaya  chineck ko kung nakasara  ang  lahat  ng  mga  gamit  na  computers  ng  mga  nagtrabahong  reporter. Patay na ang  ilaw sa  lugar kaya  medyo madilim at napansin ko ang isang malaking hugis tao, kulay brown ang mahabang damit  pero walang  ulo,” ang  kuwento ni Beldad.

Pakiramdam aniya nito ay  lumaki ang  ulo niya  at  hindi agad  nakakilos dahil sa  nakita pero makalipas  ang  ilang segundo ay  nawala  na  ito. Dali-daling  umalis  si Beldad sa batcave  at bumalik sa  kuwarto ng  mga  staff.

Ang “batcave” ay isa sa  mga  kuwarto sa Press working  area  para  sa mga  print reporters,  ang ibang  kuwarto ay tinawag  na “Mimaropa”, “ARMM”, “millenial room” at  iba  pa.

Halos  mautal si Beldad sa  pagkuwento sa  nakitang  prayleng  walang  ulo at agad  nagyayang  umuwi dahil  tapos  na ang  duty  nito ng makita  ang  multo.

Ang  malacanang  ay  matagal na  naging tirahan ng  mga  kastila noong  panahon ng  kanilang  pananakop at  hindi kataka-taka kung  may  mga paminsan-minsang  napapansin  at  nagpapakita  sa  ilang  lugar sa  Palasyo.

Iba  naman ang  naging  karanasan ng  isa  sa  mga  guwardiyang nagbabantay sa  lobby  ng New Executive  Building   dahil hatinggabi at  siya  lamang ang nagbabantay kaya  kahit medyo natatakot ay  nagtatapang-tapangan ito.

Nag-aagaw  tulog  aniya   ito  kaya  tumalikmo sa  kanyang  mesa nang  makarinig  ng  mga  yabag  na nagmamadaling  lakad  sa  lobby paakyat sa  hagdan sa  ikalawang  palapag.

Nanindig aniya ang  balahibo nito  subalit  wala  siyang magawa  dahil nag-iisa  ito kaya tiniis  ang  maiingay  na  yabag  na  nagpaparamdam sa kanyang tahimik na  pagbabantay.

May  ilan ding  staff  ang  nakapagkuwento na  ng kanilang  karanasan sa  mga  multo sa Malacanang  gaya  ng  pakiramdam na  tila may  nakatingin sa  kanila  habang  nagtatrabaho , o kaya  naman ay naramdamang may dumaan subalit wala  namang tao  at  ang personal kong  nakita  na  kumuha  ng  tubig sa  water  dispenser na  nanaka-hoodie  ng  kulay  pink, at sa  pag-aakalang  bagong  reporter  ay sinundan  ko subalit  biglang  nawala. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?