129
Kuwalipikasyon ni Erfe bilang PAO forensic expert, pinasisilip sa DOJ
By

Kuwalipikasyon ni Erfe bilang PAO forensic expert, pinasisilip sa DOJ

kokonsidera ng Department of Justice (DOJ) ang suhestiyon ni House committee on appropriations vice chairperson Ruwel Peter Gonzaga na i-reassess at i-reevaluate ang kuwalipikasyon ni Dr. Erwin Erfe bilang forensic expert ng Public Attorney’s Office (PAO).

Ito’y matapos igiit ni ex-Health secretary at ngayo’y Iloilo 1st District Representative Janette Garin na hindi kuwalipikado si Erfe bilang forensics head ng PAO.

Nauna rito, humiling si Garin sa justice department sa budget hearing na pagsamahin ang PAO forensics lab sa crime lab ng National Bureau of Investigation.

Dito kinilatis ni Garin ang legalidad ng PAO sa pagbuo ng sariling forensics laboratory.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, handa ang kanilang tanggapan na

ikonsidera ang isyu hinggil sa kuwalipikasyon ni Erfe gayundin ang isyu sa PAO forensic unit agency.

“The issue of Dr. Erfe’s qualification will be considered together with the bigger issue of the PAO’s legal authority to create a forensic unit within the agency,” ayon kay Guevarra.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?