9

Nov 5, 2020 @ 10:07
By

Kuwago sumalpok sa kotse

Isang hindi pangkaraniwang kuwago ang nalaglag sa bubong ng isang kotse sa Pasay City noong isang araw.

Sabi ni Maria Victoria Bagcat, nagmamaneho siya papunta sa trabaho sa Bradco Avenue sa Aseana complex, Nobyembre 3 ng umaga, nang may narinig siyang malakas na tunog mula sa bubong ng kanyang sasakyan.

Nang huminto siya para tingnan kung saan galing ang tunog ay nakita niyang nakahandusay sa kalsada ang isang kayumangging kuwago.

Dinala ni Bagcat ang ibon sa city hall, kung saan nagtatrabaho siya bilang administrative assistant sa human resources management and development office ng Pasay City government.

Tinurn over ang kuwago sa Department of Natural Resources (DENR). Napag-alamang isa itong chocolate boobook na isang katutubong owl species sa bansa.

Nilarawan ito ng International Union for Conservation of Nature na “near threatened” habang nakasaad sa DENR Administrative Order No. 2019-09 na ang nasabing ibon ay kabilang sa mga “vulnerable” species.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?