118
Lola kulong sa tangkang pagdukot ng 2 bata sa Marikina
By

Kutsilyo itinabi sa pagtulog, basurero arestado

Hindi akalain ng isang basurero na malalagay siya sa alanganin matapos matulog sa gitna ng dalawang mobile patrol car sa Makati City, Biyernes ng gabi.

Nasa detention cell ng Makati City Police ang suspek na si Ronaldo Dador, nasa hustong gulang, isang scavenger, matapos siyang mahulihan ng patalim.

Sa ulat ng pulisya, nahuli si Dador sa Ayala Avenue Extension ng Yakal Street, Barangay San Antonio dakong alas-11:40 ng gabi.

Nakatakda na sanang umalis sa lugar at magsagawa ng inspeksyon si Police Col. Rogelio Simon, hepe ng Makati City Police sakay ng Inova service vehicle kasama ang kanyang security escort nang mapansin ang suspek na natutulog sa gitna ng dalawang mobile police car kaya bumaba si Patrolman Louiejo Badajos at nilapitan ang lalaki.

Dito napansing armado si Dador ng kutsilyo na may walong pulgadang haba na nagresulta ng pagkakaaresto niya.

Diniretso ang suspek sa tanggapan ng Criminal Investigation Division upang imbestigahan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?