362

May 9, 2021 @ 17:21
By

Kuto ng anak pinabayaan ng ina, muntik ng makapatay

Arestado ang isang nanay sa Indiana, United States nitong nakaraang linggo matapos umano nitong pabayaan ang kanyang mga anak na pestihin ng mga kuto na ang isa ay halos bawian na ng buhay.

Ayon sa reports, ang suspek ay kinilala bilang si Shyanne Singh, 26-anyos.

Inaresto umano ng pulisya si Singh matapos silang makatanggap ng tawag mula sa ospital na pinagdalhan sa mga anak ng suspek.

Ang apat na taong gulang na anak umano ni Singh ay kinailangan pang salinan ng dugo ng apat na beses at halos ikamatay ang pamemeste ng kuto sa kanyang ulo. Dagdag pa ng awtoridad, 1.7 grams per deciliter na lamang ang hemoglobin levels na naitala ng mga doktor sa bata. Ang normal ne lebel ay nasa 12 grams per deciliter.

Ayon sa ospital ay ito na umano ang pinakamababang hemoglobin levels na kanilang naitala sa lahat ng naging pasyente nila.

Samantala, ang isa pang anak ni Singh, na anim na taong gulang, ay lumiban sa klase sa loob ng isang buwan dahil na rin sa pahirap ng mga kuto. Gayunpaman, hindi kasing lubha ng kanyang nakababatang kapatid ang kanyang kondisyon.

Nahaharap sa three counts of neglect si Singh dahil sa kapabayaan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?