56

May 24, 2020 @ 12:50
By

Kuting dalawa ang mukha

Nagulat ang mga may-ari ng isang pusa matapos itong manganak ng kuting na may dalawang mukha.

Sa ulat ng KOIN, sinabing nalaman ni Kyla King sa Oregon, US ang naturang kuting matapos niyang tingnan ang buntis niyang barn cat.

Pinangalanan nilang Biscuits at Gravy ang two-faced kitten, na may lima pang kapatid.

Tinanong ng may-ari ang kanilang veterinarian kung paano alagaan ang kuting, na may depektong tinatawag na diprosopus at nagreresulta sa pagdodoble ng bungo.

Sina Biscuits at Gravy ay isang “Janus” cat o mga pusa na dalawa ang mukha. Hango ang termino sa isang Roman god na may dalawang mukha sa mitolohiya.

Karamihan sa mga Janus cat, ayon sa isang ulat, ay wala pang isang araw nabubuhay.

Sa ngayon, ine-enjoy na lang nina King ang panahong nalalabi kasama sina Biscuits at Gravy.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: , , ,