125
Kuryente nagmahal! African president nagsakripisyo, nagpatapyas ng suweldo
Dec 28, 2019 @ 18:17
By

Kuryente nagmahal! African president nagsakripisyo, nagpatapyas ng suweldo

Nagdesisyon si Zambian President Edgar Lungu na bawasan ang kanyang sahod pati na mga senior cabinet minister dahil sa nakatakdang pagtaas ng halaga ng kuryente at gasolina sa kanilang bansa.

Ayon sa state power firm Zesco sa Aljazeera report, epektibo sa Enero 2020, madaragdagan ng 113 porsiyento ang presyo ng sinu-supply nilang kuryente.

Tataas naman ng sampung porsiyento ang halaga ng gasolina habang 9.6% sa diesel.

Gagamitin, ani President Lungu, ang 15 hanggang 20 porsiyentong kaltas sa suweldo nila para mabalanse ang impact sa mga mamamayan nila ng mga naturang pagtaas.

Alam aniya ni Lungo ang dinadanas ng mga Zambian na resulta ng ipinatupad na tariff hikes pero naniniwala siyang maganda ang magiging resulta nito sa kanilang ekonomiya sa 2020.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?