61

By

Kurot, palo, pingot, atbp. ipagbabawal gawin sa kabataan

Sharing is caring!

Inaprubahan ng Senado ang panukalang batas na layong ipagbawal ang pananakit bilang paraan ng pagdisiplina ng magulang o guardian sa mga bata.

Sa Senate Bill No. 1477, o panukalang Positive and Non-violent Discipline of Children Act, poprotektahan umano ang mga bata mula sa physical at mental violence.

Ipagbabawal dito na paluin ang bata ng walis, sinturon at yantok, ang sabunot, sipa, pingot at sampal.

Ipagbabawal din na pahirapan ang mga bata gaya ng pagdipa, matagal na pag-upo o pagtayo sa iisang paa o habang nakapilipit at pagluhod sa bato o asin.

Ipatitigil din na murahin o laitin ang bata lalo na sa harap ng mga kaibigan o ng publiko.

Ayon kay Senadora Risa Hontiveros, isa sa may akda, layon dito na hikayatin ang mga magulang na disiplinahin ang mga bata sa mahinahong paraan.

Sa pag-aaral, lumitaw umano na nauuwi ang ganitong pagdisiplina, tinatawag na corporal punishment, sa karahasan sa mga bata at naglalayo rin ng loob ng magulang sa anak.

Sa 2011 Pulse Asia Survey, tinuko na 66 percent o dalawa sa bawat tatlong magulang ay namamalo ng anak gamit ang kanilang kamay, binilot na papel o kaya ay patpat.

Marami rin umano ang magulang at guardian na nananabunot ng bata, nangungurot at pumipingot sa tainga ng bata.

Kapag naging batas, ang magulang, guardian o nakatatanda na gagawa ng ganitong parusa sa mga nasa edad na mas mababa sa 18, ay ipatatawag ng barangay para pagsabihan at para ipasailalim sa reconciliation meeting.

Isasailalim din sila counseling at positive discipline seminar pero maari silang pasampahan ng kaso ng baranggay kapag malubha ang pananakit.

Inakda ito nina Hontiveros, Senadora Grace Poe, Senaadora Nancy Binay at Senadora Leila De Lima.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?