1,028

Dec 2, 2021 @ 13:17
By

Kunwari naholdap! Kolektor ng utang pinangsabong nakolektang kwarta

Arestado ang isang lending collector sa Mangaldan, Pangasinan matapos umanong ipusta sa e-sabong ang kanyang nakolektang pera at nang matalo ay nagkunwari pang naholdap.

Kinilala ang suspek na si Norjude Reyes.

Ayon sa ulat ng GMA Regional TV ngayong Miyerkoles, higit P18,000 ang nakolekta ni Reyes sa kanyang trabaho.

Ngunit naglaho ang lahat nang ipusta niya ito sa e-sabong.

Kwento ng mga pulis, nagsumbong pa ang suspek na hinoldap siya ng dalawang lalaki at tinangay ang kwarta. Pinakita pa nito ang galos sa tagiliran na tinamo niya nang siya ay holdapin.

‘Di nakalusot sa mga pulis ang testimonya ng suspek.

“Lumalabas sa investigation na siya ay natalo sa online sabong,” ayon sa pulis, na sinabing gawa lang din ni Reyes sa kanyang sarili ang galos.

Patong-patong na kaso ang naghihintay sa suspek. (mjd)

Abantelliling with Ritz Azul

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?