89

Jun 4, 2019 @ 16:13
By

Kungfu gagarahe muna si Eya

Hindi pa muna paglalaruin ni UST Golden Tigresses head coach Kungfu Reyes si UAAP Season 81 Rookie of the Year Eya Laure para sa Foton Tornadoes Blue Energy hangga’t hindi pa fully recovered ito mula sa kanyang ankle injury.

Ibinalita nitong nakaraang buwan ang pagsunod ni Eya sa Foton kasama ang kanyang kapatid na si EJ para sa Philippine Superliga All-Filipino Conference 2019.

“Good for her,” pahayag ni coach Reyes para kay Eya.

“Parang ni-lockdown lang nila kasi maraming gustong kumuha sa kanya.”

Matatandaan na na-injury si Eya noong Game 2 UAAP Finals laban sa Ateneo Lady Eagles.

“’Di siya maglalaro totally hangga’t di maayos ang paa,” saad pa ni coach Reyes.

Naniniwala rin ito na maganda ang pagsasama ng Laure sisters sa Foton.

“Malaking tulong ‘yun kasi siyempre para mas maging motivation ni EJ lalo para bumalik,” hirit ni Reyes.

“Babalik naman ‘yun. Inuunti-unti kasi binubuo ulit ang volleyball muscle kasi wala pa. Parang Michael Jordan yun na natengga eh.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?