51
rody-duterte-
By

Kung walang law and order, PH maiiwan sa kangkungan – Duterte

Walang mangyayari sa bansa hangga’t walang kaayusan, hindi nalulutas ang problema sa iligal na droga at hindi naaalis ang katiwalian.

Ito ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte Martes ng gabi sa Koronadal City, South Cotabato kasunod ng mataas pa ring problema sa iligal na droga.

Ayon sa Pangulo, kahit pa bigyan ng lima hanggang pitong termino ang nakaupong Presidente kung walang umiiral na batas at kaayusan sa Pilipinas ay hindi aangat ang bansa.

Aminado si Pangulong Duterte na mahirap ang sitwasyon ngayon sa bansa dahil sa matinding problema sa iligal na droga.

Sinabi ng Presidente na araw- araw ay namamatayan siya ng pulis hindi lang dahil sa kampanya kontra droga kundi dahil sa mga pag-atake ng sparrow units ng New People’s Army na isa rin sa problema ng pamahalaan.

Dahil dito, sinabi ng Pangulo na ginagawa niya ang lahat ng paraan para maging maayos at mabawasan ang mga problema sa law and order sa bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?