438

By

Kung totoo ang bintang sa video, walang kasalanan si ‘Bikoy’ – Diokno

Dapat imbestigahan ang mga alegasyon ni alyas Bikoy para malaman kung may kasalanan ba talaga ito o hindi.

Ito ay ayon kay Otso Diretso senatorial bet Chel Diokno, na sinabing dapat linawin ang kasangkutan ni Rodel Jayme sa mga nasabing video.

“Dapat linawin ng DOJ kung ano ang kasalanan ni Mr. Jayme. Siya ba ang gumawa ng Bikoy videos o nag-share lang siya? Korte Suprema na ang nagsabi na hindi pwedeng parusahan ang isang tao dahil sa simpleng pag-share lang,” ayon sa statement ni Diokno.

Aniya dapat ay dumaan sa proseso ang pagsuri sa nasabing video para mapatunayan ang may tunay na sala.

” Kung gawa-gawa lang ang mga paratang sa mga video, dapat lang parusahan ang mga gumawa nito,” ayon pa sa abogado.

“Pero kung totoo ang sinasabi, hindi kasalanan yan, at ang mga inaakusahan sa video naman ang mananagot sa taong bayan. Money laundering at drug trafficking ang kaso.”

Nitong Biyernes ay iniharap na si Jayme ng National Bureau of Investigation. Sinabi nito na Liberal Party supporter ang kumuha sa kanya para gumawa ng website kung saan lumabas ang mga video ni Bikoy.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?