140
Binay sa pagkakasama sa may illegal posters
By

Kung sino pa nagkalat mukha, wala sa listahan – Binay sa pagkakasama sa may illegal posters

Napabilang si Senadora Nancy Binay sa pinangalanan ng Comelec na 40 senatorial candidate na nakitaan ng mga iligal na campaign poster.

Anang senadora, bakit kung sino pa yung kandidato na nagkalat ang mukha sa buong Pilipinas ay wala sa listahan kaya kuwestiyonable umano ang inilabas na listahan ng Comelec.

Aniya pa, wala pa umanong inilalabas ang kanyang kampo na tarpaulins o kahit posters.

Matatandaang binigyan ng tatlong araw ang mga kandidato para baklasin ang mga iligal nilang poster na na nagtapos noong Pebrero 14.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?