42

Jun 18, 2021 @ 9:21
By

Kung si Kakai gusto kasuhan: Erich friend pa rin ni Mario Maurer

Patuloy pa rin ang communication sa pagitan ni Erich Gonzales at Mario Maurer kahit ilang taon na ang nakakalipas matapos ang kanilang tambalan sa ‘Suddenly It’s Magic’.

Ayon kay Erich, hindi pa rin nawala ang ugnayan nila ni Mario at madalas pa rin niyang makausap ang Thai star.

“Kakakausap ko lang sa kanya kanina. Nagkamustahan kami. Siyempre, open tayo. Mario is a good friend,” sey ni Erich sa media conference ng ‘La Vida Lena’.

Taliwas naman ito sa nangyari kay Kakai Bautista, na nakasama din ni Maurer sa ‘Suddenly It’s Magic’.

Matatandaan na nagbanta ang kampo ng Thai actor na kakasuhan si Kakai kapag hindi ito tumigil na banggitin ang pangalan ni Maurer.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?