930

By

Kung pinalitan niyo ‘yung pari diyan, ‘di mabagsak ‘yan – Duterte sa gumuhong simbahan sa Benguet

Sharing is caring!

Sinisi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang pari sa gumuhong simbahan sa Itogon, Benguet dahil sa pananalasa ng bagyong Ompong sa lugar noong Sabado, Setyembre 15.

Sa press briefing sa Tuguegarao nitong Linggo ay napag-alaman ng pangulo ang tungkol sa simbahan na bumagsak sa Barangay Ucab na tinatayang 43 katao ang apektado.

“There is an evolving story sa Itogon, Barangay Ucab… 43 persons doon, nag-collapse ‘yung church… Kaya nga ito eh, alam mo sir sa totoo lang, kung pinalitan niyo ‘yung pari diyan, ‘di magbagsak ‘yan,” saad ni Duterte.

Minuri niya pa ang mga kaparian na sinabing “Bobo” at “p*tangina”ang mga ito.

Nakaplano naman ang pangulo na pumunta sa pinangyarihan ng aksidente sa Lunes, Setyembre 16, kasama na ang rehiyon ng Cordillera.

Matagal na ang iringan ng Simbahang Katolika at ni Duterte dahil umano sa ‘di magandang karanasan ng huli sa relihiyosong institusyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?