149
Kung may problema, punta ka sa opisina ko! Panelo bumwelta kay Hontiveros
Sep 5, 2019 @ 15:43
By

Kung may problema, punta ka sa opisina ko! Panelo bumwelta kay Hontiveros

Umalma si Presidential Spokesman Salvador Panelo sa hirit ni Senadora Risa Hontiveros na kailangan din siyang isama sa imbestigasyon sa kontrobersiya sa Bureau of Corrections dahil sa pagtulong umano nito sa convicted murderer-rapist na si Antonio Sanchez.

Sinabi ni Panelo na kung may kapangyarihan siya ay hindi sana na-deny ang referral ng kanyang tanggapan sa Board of Pardons and Parole.

Ginawa lamang aniya nito kung ano ang utos sa kanila ni Pangulong Rodrigo Duterte na aksiyonan ang lahat ng mga lumalapit sa kanilang tanggapan.

“Paano naman nag-benefit eh dineny nga eh. Kaya nga ako natatawa, may power daw, pero dineny. Ano bang power yun?,” ani Panelo.

Sinabi ng kalihim na bukas ang kanyang tanggapan sa kahit na sinong Pilipinong lalapit at hihingi ng tulong, at kahit pa si Senadora Hontiveros ay tutulungan niya sakaling nais nitong lumapit sa kanyang tanggapan.

“Pati sa kanya magiging accomodating ako kung may problema siya. She comes to my office and I’ll accommodate her. Her mother is very good friend of mine as so is her sister. And it doesn’t matter whether we’re friends or not. If she has a problem she can come to my office and I will refer to the appropriate entity that requires action on whatever complaints she will bring to this office,” dagdag pa ni Panelo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?