35

Aug 6, 2020 @ 18:28
By

Kung may ostrich ang QC: ‘Dragon’ nakaabot sa Pasig

Tila nagiging isang malaking zoo na ang Pilipinas sa nagsusulputang kakaibang hayop sa siyudad.

Una itong nauso sa Quezon City nang mag-viral ang isang ostrich na tumatakbo-takbo sa kalsada ng isang exclusive subdivision.

Tapos naman ay agaw-pansin din ang baboy sa Cebu at baka naman sa Iloilo.

Hindi naman nagpahuli pang Pasig City kung saan nakuhanan ng aktor na si KC Montero ang dalawang ‘dragon’.

“WTH!! An Ostrich in QC, pig in Cebu, cow in Iloilo and now this in Pasig? Mayor Vico [Sotto] how do you intend to handle this!?” saad ni KC.

Katuwaan lamang ang nasabing video sa kanyang Instagram feed kung saan namangha ang mga netizen sa nasabing animation.

 

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: , ,