110

May 8, 2019 @ 16:02
By

Kung may kinalaman, parusahan at kasuhan kami – Alejano

Dapat umanong maghain ng kaso ang gobyerno laban sa Liberal Party (LP) at Magdalo kaugnay sa pahayag na nagsasabwatan ang dalawang grupo para patalsikin si Pangulong Rodrigo Duterte.

Nitong Miyerkoles nang ilantad ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na nakatanggap ng intelligence information ang Pangulo na ang LP at Magdalo at ilang media outfits ang kasama sa “deliberate conspiracy”.

Ani Magdalo Party-list Gary Alejano, kung talagang may kinalaman sila ay dapat silang parusahan at kasuhan.

“Kung talagang involved kami, paparusahan kami, kasuhan kami. In fact right now, they can file cases against us so we can defend ourselves,” ani Alejano.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?