399

By

Kung mamatay man ako, susunod ka rin – Duterte kay Father Gatchalian

Sharing is caring!

Niresbakan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Father Noel Gatchalian matapos ihayag na ipinagdasal niya na sana magkasakit ito.

Sinabi ng Pangulo na kung mamamatay siya ay susunod din ang pari.

Kulang pa aniya sa happy happy si Father Gatchalian kaya dagdagan pa ang girlfriends nito.

“Sabi po nung isang pari na mamatay ako, huwag kang mag-alala Father, whether I die today or I die tomorrow it does not matter to me anymore, tapos na ako.

Ikaw kulang ka pa sa happy happy. Dagdagan mo yung mga girlfriends mo diyan. Tangina n’yo akala nyo di namin alam .Kung mamatay ako tutal susunod ka rin eh. The likes of you, to wish ill… saan ka nakakita ng paring nagsabing mamatay sana si Duterte?,” ang gigil na pahayag ng Pangulo.

Idinamay na rin ng Presidente ang ngitngit sa iba pang mga pari na sana mamatay ng sakit sa babae, lalo na yaong mga may kabit.

Ayon pa sa Pangulo, ang mga pari ang pinaka-ipokrito dahil ang iba ay nagmamalinis gayong marami sa mga kaaamahan ay patong-patong ang kaso dahil sa pangmomolestiya sa mga bata.

“Eh di sabihin ko rin, mamatay sana kayong lahat ng veneral disease, lalo na ‘yung mga paring walang perang may kabit diyan sa tabi tabi ng Pasay.

At saka may orphanage kayo existing now, yung mga anak ninyo na sikreto diyan inilagay. Kunwari pinapalabas ninyo… the most hypocritical institution in the Philippines today mga pari,” dagdag pa ng Pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?