406

Apr 4, 2021 @ 14:35
By

Kung lumabag ako sa batas, edi kasuhan nila ako – Ivana

Lalabanan ni Ivana Alawi ang anumang isasampang ligal na aksiyon sa kanya dahil sa pagpapanggap na pulubi sa isang vlog kamakailan.

Sa kanyang March 14 YouTube vlog, namigay ng pera si Ivana sa sinumang magbibigay-limos sa kanya sa kalsada.

Sey niya, ginawa niya raw itong street prank para maranasan mismo ang kondisyon ng mahihirap at para makatulong sa mga ito.

May ilang bumatikos sa ginawa ng model-actress at sinabing prinomote at nilabag ng huli ang Anti-Mendicancy Law of 1978.

“Kung may nalabag akong batas, edi kasuhan na lang nila ako. Haharapin ko ‘yon. Lalaban ako,” sey ni Ivana sa bago niyang vlog, Abril 3.

“Ang intention ko was to just help out and to inspire people. Wala akong tinapakan na tao, wala akong nasaktan na tao, and masaya ako sa video. I would do it again,” paliwanag niya pa habang ginigiit na wala siyang ginawang masama sa kanyang prank.

Sa ilalim ng Anti-Mendicancy Law, parurusahan ang sinumang magbigay ng limos, at pagmumultahin o ikukulong naman ang manglilimos.

Layon nitong batas na pigilan ang pananamantala sa mga menor de edad sa pamamagitan ng pamamalimos, at magbigay ng habilitative services para sa mga sinasamantala na o nanganganib na pagsamantalahan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?