140

Jul 31, 2018 @ 15:27
By

Kung Fu nakukulangan sa rookies

Gusto pa ni University of Santo Tomas Golden Tigresses head coach Emilio “Kung Fu” Reyes Jr., na lalo pang galingan ng rookies ang kanilang laro ngayong taon.

Nauwi ng Golden Tigresses ang kanilang ikatlong sunod na panalo kahit na wala sa team sina Sisi Rondia at EJ Laure.

“Sa papel lang sila rookie pero ang tagal na nilang mga naglalaro. ‘Yung iba UAAP, ‘yung iba galing ng Palarong [Pambansa],” ani Reyes matapos ang kanilang panalo laban sa San Beda Red Lions, 25-18, 25-16, 25-21, sa 2018 PVL Collegiate Conference sa FilOil Flying V Arena sa San Juan noong Linggo.

“Yung skills, puro enhancement lang naman ‘yung ginagawa naming mga coaches diyan, pero ‘yung character, ‘yun ‘yung pinagtutuunan namin ng pansin,” dagdag pa nito.

Kadalasang pinapalitan ni Kung Fu ang mga beterano sa ikatlong set para ipasok ang rookies.

University of the Philippines Lady Fighting Maroons ang sunod na makakalaban ng UST sa Agosto 5. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?