1,305

Apr 15, 2020 @ 11:29

Kung bakit inihian: Ping Medina ‘ni-rape’ ang ex ni Baron Geisler

Nilantad na ni Baron Geisler ang umano’y dahilan kung bakit niya inihian si Ping Medina noong 2016.

Tumugon si Baron sa Twitter netizen na inakusahan si Ping ng pagse-send ng hindi hininging dick video sa mga babae. Pinipilit din umano ni Ping ang mga babae na makipag-sex sa kanya, ayon kay netizen @juhgnn.

“True. My ex was raped by him and his friend,” tweet ni Geisler kagabi, Abril 14, 2020.

“Reason y i peed,” aniya pa.

Matatandaang noong 2016, hinimok ni Ping ang film at television industry na isnabin na si Baron na inihian siya habang nagfi-film para sa pelikulang “Bubog.”

“Hindi ka tao. Mas mababa ka pa sa hayop. Kasi ang hayop hindi iniihian ang kapwa na nangingisingisi pa nang patago. Nag-enjoy ka sa ginawa mo!,” sambit pa noon ni Ping kay Baron.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?