30

Nov 23, 2021 @ 15:25
By

‘Kung anu-ano pinopost’: Facebook page ni Cassy Legaspi na-hack

Ipinaalam ng aktres na si Cassy Legaspi na hindi siya ang nagpo-post ng kung anu-ano sa kaniyang Facebook page dahil na-hack ito.

Sa Twitter ibinalita ng aktres na na-hack ang kaniya Facebook page at binalaan ang mga fans na ‘wag na mag reply kung sakaling mag-message ito.

“Hi guys, just wanted to warn you all that my Official Facebook page has been hacked. (Cassy Legaspi with a verified check). Please do not engage with any of their messages, that isn’t me responding and posting. My managers will be handling this. Stay safe everyone,” ani Cassy sa kaniyang Twitter post.

Marami sa fans nito ang nag-akala na bored lang ang aktres kaya kung anu-ano ang post nito at panay reply pa sa mga comment.

Ayon naman sa aktres, ‘wag na lamang daw pansinin ang page nito.

“so…dedmahin nalang natin yung Facebook page ko ngayon. Kung ano ano pinopost niya haha.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?