13

Jan 7, 2021 @ 16:53
By

Kumpletong listahan ng tunay na mahihirap target ng DSWD

Target ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang kumpleto at validated na listahan ng mahihirap sa bansa.

Magugunitang sa isang congressional budget deliberation noong September 2019 ay sinabi ni DSWD Secretary Rolando Bautista sa mga mambabatas na sa 2021 ay magkakaroon na ang ahensya ng pinal at kumpletong listahan ng mga mahihirap.

Sa kasalukuyan ay mahigit 14.49 milyong pamilya ang nasuri na ng DSWD o 92.3% ng 16.1 milyong kabahayan na target na ma-evaluate sa ikatlong round assessment ng Listahanan o National Household Targeting System for Poverty Reduction.

As of Dec. 31, 2020 ayon kay Batocabe, nasa 14,492,065 kabahayan na ang na-assess ng mga nagbahay-bahay na “Listahanan” field worker.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?