546
Kumpleto na! Romeo retiro pag nag-champion
Apr 29, 2019 @ 17:29
By

Kumpleto na! Romeo retiro pag nag-champion

Sa edad na 27-anyos, pinag-iisipan na ni San Miguel Beer guard Terrence Romeo ang pagreretiro.

Kanya itong ibinahagi sa press conference ng PBA para sa finals series ng SMB at Magnolia.

Aniya isa na lang ang kulang sa kanyang karera, at ito ay ang PBA championship.

At sa oras na masungkit na ito, handa na niyang iwanan ang larong nakahiligan.

“Ayun, excited pero syempre hindi ko naman pwedeng isipin lang yun palagi eh. Syempre kailangan pa rin namin maglaro ng yun nga, game, kumbaga best-of-seven so hindi pupwedeng champion na kaagad,” pakli ni Romeo.

“Kumbaga, one game at a time tapos kung makukuha namin yun, kahit papaano nakuha ko na yung pinakakulang para sakin. I mean, kulang na award para sa sarili ko. Tapos yun, baka magretire na ko after. Hindi na ako magbabasketbol, retire na pag nag-champion kami.”

Sa paglalaro ng tinaguriang ‘Golden Boy’ ng Gilas, hindi pa siya nagkakampeon mula UAAP para sa FEU at ngayon ay anim na taon na sa PBA.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?