110

By

Kumpisal ng dating rebelde: ‘Estudyante ako by day, NPA by night’

Nilantad ng isang rebel returnee na si Agnes Reano, na 13-anyos lang siya nang ma-recruit ng mga komunista.

Kuwento niya sa ginawang pagdinig ng Senate public order and dangerous drugs tungkol sa nawawalang mga estudyante, wala siyang kamalay-malay na nakapasok na siya sa communist organization nang ma-recruit siya ng Alliance of Student against Tuition Fee Increase sa Ateneo de Naga University noong 1983.

Una umanong pinagawa sa kanya ay dalhin ang mga bala mula Naga patungong Legazpi sa Bicol.

Idina-duct tape umano sa katawan ang mga bala at ibibiyahe siya sa isang area at may sasalubong sa kanya.

“Nung ma-recruit ako nung first year, estudyante ako by day, NPA by night. Pinanumpa akong kandidatong kasapi, kapag sinabing kandidatong kasapi automatic you become a member of the armed (NPA),” pag-amin niya.

Sila rin umano ang buhay na patunay na may nangyayaring recruitment ng mga estudyante sa mga paaralan para maging rebelde.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?