28

Oct 3, 2017 @ 16:38

Kumpirmasyon ni Ubial nakabitin pa rin

Ipinagpaliban muli ng Commission on Appointments ang kumpirmasyon kay Health Secretary Paulyn Rosell-Ubial.

Ayon kay Senador Gregorio Honasan, kinapos pa sila ng oras pra mapagbigyan ang iba pang miyembro na makapagtanong.

Sa hearing kahapon, ginisa ni Senate Majority Leader Vicente Sotto III si Ubial hinggil sa mga biyahe sa ibang bansa kung saan mula August 2016 ay nasa 15 na ang foreign travels nito.

Iginiit naman ni Ubial na pinapayagan sa batas ang kanyang mga byahe at kalahati anya nito ay ginastusan ng international groups at Non governmental organizations.

“I stay in budget hotels,” pahayag pa ni Ubial nang tanungin sa sinasabing magastos na mga byahe nito.

Nilinaw din ni Ubial na hindi bibili ang Department of Health (DOH) ng karagdagang condoms ngayong taon hanggang 2018 dahil mayroon pa silang P10milyon na halaga na nakastock.

Kasabay nito, nangako si Ubial na gagawin ang lahat ng makakaya upang maglingkod sa bayan.
“I love the DOH. I served it well. I am not afraid of hard work. I am not afraid of 24/7,” pahayag ni Ubial. (Dang Samson-Garcia)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?