10

Sep 30, 2020 @ 15:50
By

Kumpirmasyon ni Housing chief Del Rosario muling sinuspinde

Sa ikatlong pagkakataon, sinuspinde ng Commission on Appointments (CA) ang kanilang pagdinig nang hindi man lang inaprubahan ang appointment ni Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) chief Eduardo del Rosario.

Sa pagdinig ng CA Committee on Human Settlements and Urban Development nitong Miyerkoles, isinulong ni Davao Oriental Rep. Joel Mayo Almario na ipagpaliban ang kumpirmasyon ng appointment ni Del Rosario.

Ito’y upang mabigyan ng oras ang committee secretariat na makabuo ng sistema para sa botohan.

“We have an unprecedented, unthought of scenario that while we use to vote on a secret balloting, we are on Webex and we have not thought of how voting will be done to protect the identity of those who will vote in favor or against,” punto ni Almario.

Si Del Rosario ay tatlong beses nang humarap sa pagdinig ng kanyang kumpirmasyon sa CA.

Sa tatlong pagdinig, ginisa ng mga mambabatas si Del Rosario sa update tungkol sa Marawi rehabilitation, pabahay sa Yolanda victims at iba pa.

Si Del Rosario ang pinuno ng Task Force Bangon Marawi.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?