1,453

Feb 21, 2020 @ 15:50
By

Kumpirmado! Sarah, Matteo kasal na!

Inulan ng pagbati sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli dahil kumpirmadong ikinasal ang dalawa kagabi, Pebrero 20 sa isang civil wedding.

Nag-trending din ang hashtag na #Mrs. Guidicelli dahil dito.

Natuloy ang kasalan sa kabila ng “pakikialam” umano ng ina ni Sarah na si Mommy Divine.

Ayon sa entertainment editor na si Ricky Lo, ginanap ang civil wedding sa loob ng isang mamahaling hotel sa Bonifacio Global City sa Taguig.

Pero hindi umano naging smooth ang kasal dahil sinuntok ni Matteo ang bodyguard ni Sarah matapos isumbong ang naganap na kasalan kay Mommy Divine.

Nagpunta umano si Mommy Divine sa kasal dahil tutol ito rito.

Unang kinumpirma nina Sarah at Matteo ang kanilang relasyon noong June 2014 habang inanunsyo nila ang kanilang engagement noong November 2019.

Narito ang ilan sa mga pagbati sa AshMatt.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?