92

Dec 9, 2021 @ 19:15
By

Kumpirmado sa autopsy: Nuezca inatake sa puso

Kumpirmadong heart attack ang ikinamatay ng viral ex-cop na si Jonel Nuezca at walang foul play sa pagkamatay niya.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, batay ito sa awtopsiyang isinagawa ng National Bureau of Investigation sa bangkay ni Nuezca.

“The preliminary report of the NBI indicates that Nuezca died of cardiac arrest,” saad ni Guevarra.

Samantala, sinabi niyang umuusad ang laboratory at histopathological exam para matukoy ang “specific cause of death” niya.

Noong Nob. 30 pumanaw sa New Bilibid Prison Hospital si Nuezca.

Nahatulan siyang makulong para sa dalawang kasong murder noong Agosto.

Nag-viral noong Disyembre 2020 ang video ng pagbaril niya sa mag-inang Gregorio, na mga kapitbahay niya sa Paniqui, Tarlac.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?