32

Dec 3, 2021 @ 21:51
By

Kumpirmado! Marian hurado sa Miss Universe

Hihilera ang Philippine actress na si Marian Rivera sa mga judge ng 70th Miss Universe pageant na gaganapin sa December 12, 2021 sa Israel.

Kinumpirma ito ni Marian sa GMA.

“Para sa akin, isang malaking karangalan siya, kaya naman buong-buong puso ko talaga ‘tong tinanggap,” sambit ni Marian.

Sa December 6 daw nakatakdang magtungo sa Israel si Marian.

Pihadong gaganahang lalo ang pambato ng Pilipinas na si Beatrice Gomez dahil isa sa mga hurado ay kanyang kababayan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?