63

By

Kumpirmado! Dave Ildefonso balik sa Ateneo

Muling masisilayan sa Katipunan ang dating Ateneo Eaglets star na si Dave Ildefonso.

Ito’y matapos na malakad na ng 19-year old cager ang kanyang mga papeles para ma-release ng National University.

Sasalang si Dave sa back-to-back champion na Ateneo Blue Eagles, na iindahin ang pagkawala ng ilang top player tulad nina Isaac Go at Thirdy Ravena.

Ayon sa ilang report, nasapinal ang paglipat ni Dave matapos makipag-meeting sa mga opisyal ng Ateneo, kasama ang sponsor ng team na si Manny V Pangilinan.

Dalawang taon din naglaro si Ildefonso para sa NU Bulldogs, kung saan nag-average siya ng 17.1 points at 5.8 rebounds kada laro noong nakaraang season, ngunit bigong makaabot sa Final Four.

Kasama pa sa napadali sa pagdedesisyon ni Dave ay ang pag-alis ng kanyang ama na si Danny Ildefonso sa coachinf staff ng NU.

Sa UAAP Season 84 pa makakalaro si Dave at inaasahan na makakatulong pa ng dalawang taon sa Ateneo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?