19

Oct 19, 2020 @ 18:08

Kume nagalit sa maling tawag: Referee sibak sa PBA bubble!

Paaalisin sa PBA bubble ang isang referee matapos na marami ang magreklamo sa pito nito sa laban ng NorthPort Batang Pier at Rain or Shine Elasto Painters.

Isa sa mga nainis ay mismong si PBA commissioner Willie Marcial.

Sa naturang laban, tabla sa 68-all ang iskor, 3.1 segundo na lang ang natitira sa game clock.

Nag-drive si Rey Nambatac patungong basket para sa floater na hindi pumasok, ngunit mabuti na lang ay tumawag ng foul si referee Sherwin Pineda at naisalba ni Nambatac ang laro, 70-68.

Nagdiwang ang ROS sa naturang foul, ngunit kapalit pala nito ay pagdurusa para kay Pineda dahil hindi nagustuhan ni Marcial ang kanyang pito.

Sa panayam sa Spin.ph, sinabi ni Marcial na kanyang pauuwiin na ang naturang referee, na ibig sabihin ay tanggal na sa PBA bubble.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?