33

Jun 11, 2020 @ 23:08
By

Kume Marcial: Pass muna sa mga import

Posibleng maging tatlong All-Filipino Conference kung magbabalik na ang mga laro sa Philippine Basketball Association (PBA).

“Unang tanong kasi ay papayag ba ang mga imports?,” paliwanag ni Commissioner Willie Marcial.

“Pagdating pa lang nila dito sa atin, puwersado sila sa 14days n a quarantine saka sa mga swab tests. Kapag pasado ay hindi naman natin masiguro kung okay ang magiging laro sa kukuhang team.”

“Eh paano kung hindi maganda ang laro at balak magpalit ng team, another 14 days doon sa magiging kapalit uli. Baka semis na lang iyun makakalaro,” sabi pa ni Marcial.

Inaasahan din ni Marcial na mahihirapan na makakuha ng mahuhusay na talento na nais makapaglaro sa liga dahil na rin sa mga nakahambalang na travel restriction pati na rin ang pangamba na mahawa sa nakamamatay na sakit na coronavirus.

Sakaliing mangyari ay unang pagkakataon sa kasaysayan ng liga na walang import na maglalaro sa buong season.

Huling naganap noong 1984 na may krisis din sa ekonomiya ang bansa na nagsagawa ang PBA ng back-to-back All-Filipino conferences upang tulungan ang mga koponan na bawasan ang kanilang gastusin.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?