161

By

Kumbento nasunog; madre at bumbero sugatan

Nagtamo ng sugat, pasa at lapnos sa katawan ang isang madre at isang fire volunteer makaraang masunog ang isang kumbento sa Quezon City, Sabado ng madaling-araw.

Kinilala ang madre na si Sister Bernadeth Albuquiet, nasa hustong gulang, habang ang fire volunteer na sinasabing nagtamo lamang ng minor injury ay hindi na tinukoy ang pangalan.

Batay sa inisyal na report kay Quezon City Fire Chief Insp. Gilbert Valdez, naganap ang sunog dakong alas-12:05 ng madaling-araw nitong Abril 13 sa ikalawang palapag ng Saint Anne Convent na matatagpuan sa Dama De Noche corner Betty Go St., Barangay Mariana, ng nasabing lungsod.

Ayon kay Valdez, luma na ang main structure kaya kahit sa second floor nagsimula ang apoy ay mabilis na gumapang pababa hanggang sa kumalat sa buong gusali.

Nabatid na umabot sa ikalawang alarma ang sunog at nadamay din ang tatlong kalapit na bahay at naapula lamang bandang ala-1:30 ng madaling-araw.

Electrical short circuit ang tinitingnang sanhi ng sunog.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?