2,958

Apr 26, 2021 @ 17:26
By

Kumambyo sa hamon: Robin nabahag buntot sa AFP colonel!

Napaatras si Robin Padilla matapos na kumasa sa kanyang hamon ang isang colonel mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP), na magtatag ng anti-China militia para maipaglaban ang West Philippine Sea (WPS).

Tinanggap ni Col. Michael Logico ang hamon ng aktor, ngunit may buwelta rin ito kay Robin.

Sa reply ni Logico sa Facebook, sinabi nito na bago maghamon si Binoe ay dapat mag-apply muna ito para sa Masters Degree in National Security Administration (MNSA) at Command and General Staff College (CGSC) ng Armed Forces of the Philippines.

Dagdag pa ni Logico, kapag nalusutan na nito ang training ay maaari nang maging Regional Community Defense Group commander, at doon lang siya puwedeng maghamon sa kahit sino.

Kaagad namang humingi ng paumanhin si Robin sa military official, at sinabing hindi niya na kayang maabot ang mga pinapagawa sa kanya ni Logico.

“I apologize if in any way I offended you with my video. Sir its too late for me to dream and become a highly trained officer like you,” paliwanag ni Robin.

Aniya pa, mas gusto niyang maging kakampi si Logico bilang sibilyan kaysa maging kaaway.

“If destiny allows it, I will just see you there in the high seas not as a foe but a civilian ally,” saad pa ng aktor.

Si Logico ang direktor ng AFP Education Training And Doctrine Command, at isa sa mga military official na hayag ang pagpalag sa pananakop ng China sa WPS.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?