10

By

Kulungan sa Kamuning, inilipat sa Payatas

Sharing is caring!

Sinimulan na ng mga opisyal ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang groundbreaking sa itatayong pinakamalaki at bagong Quezon City Jail facility sa Payatas Road, Brgy. Bagong Silangan 2, Quezon City Huwebes nang umaga, Setyembre 6.

Pinangunahan ni Quezon City Mayor Herbert Bautista ang groundbreaking sa itatayong bagong pasilidad ng QC jail sa Payatas.

Ayon kay QC Jail Warden Supt. Ermilito Moral, layunin nang itatayong QC Jail project ay upaang maiwasan ang pagsisikip ng mga preso sa QC Jail sa EDSA-Kamuning dahil sa malaking bilang ng mga inmate.

Nauna rito nitong nakalipas na Abril 22, 2015, ang lokal na pamahalaang lungsod ng Quezon City ay bumili ng may 3.4 ektaryang lupa mula sa M.S. Florendo and Sons, Inc. na nagkakahalaga ng P150 milyon.

Sa naturang property, ang 2.4 ektaryang lupa ay ilalaaan sa pagpapatayo ng bagong jail facility kabilang ang quarters at tulugan ng mga jail officer at ang ilang bahagi ay gagamitin sa pagpapatayo ng police station, fire station at barangay health center.

Sinabi ni Supt. Moral ang itatayong bagong jail facility ay ang kauna-unahang pinakamalaking jail facility ng mga bilanggo na pangarap ng mga opisyal ng BJMP.

“This will solve congestions that sometimes cause riots and deceases,” ani pa ni Moral.

Ayon pa kay Moral ang kasalukuyan QC Jail sa EDSA, Kamuning ay mahigit 3,000 ang detainee subalit ang kapasidad lamang nito ay 700 hanggang 800 bilanggo.

Dumalo rin sa naturang groundbreaking ceremony si BJMP Chief Jail Director Deogracias Tapayan at BJMP National Capital Region Director Jail Chief Supt. Ignacio S. Panti.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?