23

Nov 25, 2021 @ 14:59
By

Kulungan para sa ‘high-level’ kriminal umusad sa Kamara

Inaprubahan ng Kamara de Representantes sa ikalawang pagbasa ang panukala para sa pagtatayo ng hiwalay na kulungan para sa mga high-level offender na nahatulan sa paggawa ng karumal-dumal na krimen.

Ang panukalang Separate Facility for High-Level Offenders Act (House Bill 10355) ay inaprubahan sa pamamagitan ng voice voting sa sesyon kahapon.

Sa ilalim ng panukala, ang Bureau of Corrections (BuCor) ay inaatasan na magpatayo ng kulungan na malayo sa lugar na maraming tao.

Ang lokasyon nito ay maaari umanong sa loob ng military facility o isa-isang isla.

Hindi umano bababa sa tatlong pasilidad para sa mga high-level offenders ang itatayo. Una sa Luzon at susunod sa Visayas at Mindanao.

Nakasaad sa panukala ang pagbibigay ng oversight power sa Kamara at Senado upang matiyak ang implementasyon nito. (Billy Begas)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?