17

Oct 23, 2020 @ 21:17
By

Kulturang Pinoy binida sa Disney movie

Maraming Pilipino ang na-proud sa bagong Disney animated film na “Raya and the Last Dragon”.

Sa movie trailer ng “Raya and the Last Dragon” na inilabas noong October 22, 2020, pinag-usapan sa social media ang mga elemento sa pelikula na hango sa kulturang Pilipino.

Katulad na lang ng suot ng kauna-unahang Southeast Asian princess na salakot, isang tradisyunal na pantakip ng ulo mula sa Pilipinas.

May hawak din ang bidang si Raya ng Moro sword, isang armas na matatagpuan sa Sulu at Mindanao.

Nakipaglaban din si Raya gamit ang dalawang stick na may pagkakatulad sa Arnis, na kilala rin bilang Kali o Eskrima, ang national martial art ng Pilipinas.

Nakatakdang ipalabas ang “Raya and the Last Dragon” sa 2021.

Narito ang ilang reaksyon ng mga netizen:

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?