146

Apr 11, 2021 @ 11:12
By

‘Kulto’ nagbabahay-bahay sa Ozamiz? ‘Di totoo – pulis

Wala pang natatanggap ang pulis Ozamiz City na beripikadong ulat hinggil sa umano’y kulto na trending ngayon sa social media.

May ilang netizen na nababahala sa ilang indibidwal na diumano ay kumakatok sa pinto at umaakyat sa bubong ng mga bahay sa nasabing lungsod kapag gabi upang makahanap ng mabibiktima.

Sa isang pahayag, sinabi ni Ozamiz City police OIC Peter Rhyan Revillas na may mga tawag silang natanggap hinggil sa nasabing “kulto,” pero ang tumawag ay hindi naman daw direktang nakaranas ng insidente.

Hinikayat din niya ang madla na mag-ulat lang sa otoridad ng tunay na mga insidente, at huwag nang mag-post sa social media dahil magdudulot lang aniya ito ng panic at maling impormasyon.

“Regarding the issue of the alleged ‘Toktok’ at the different residential houses located in our city, Ozamiz, there has been no verified report lodged in our station,” ani Revillas sa Facebook page ng pulisya, Abril 10.

“There were a number of telephone/cellphone calls to our station complaining about this matter. However, upon the conduct of investigation, the callers were not actually the ones who directly experienced the said incident.”

“We encourage the public to be extra vigilant

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?