16

Mar 11, 2020 @ 18:27
By

Kulit ni Curry ‘di tumalab sa Warriors

Gustong maglaro ni Stephen Curry nang i-host ng Golden State ang Clippers nitong Martes, pero ipinahinga muna siya ng team.

Sa Biyernes kontra Brooklyn Nets na raw posibleng bumalik sa lineup si Curry.

Liban sa pangalawang sunod na laro ang two-time MVP – matapos bumalik mula arm surgery – dahil sa flu. Nilinaw ng team na walang “specific risk factors for COVID-19” ang Warriors star.

Mula kay Marc Spears ng ESPN:

“Warriors coach Steve Kerr said he expects Stephen Curry (flu) to play Thursday against the Nets. Kerr said Curry wanted to play tonight.”

Noong nakaraang Huwebes lang bumalik si Curry kontra Toronto Raptors.

Tumapos ang three-time champion ng 23 points sa loob ng 27 minutes.

Pinasiklaban agad ni Curry ang fans sa Chase Center sa kanyang pagbabalik.

Nilampaso ng Clippers ang Warriors 131-107.

Naka-23 points si Kawhi Leonard, nanood na lang sa bench ng Los Angeles sa buong fourth nang dumistansiya sila 111-77 pagkatapos ng three.

Pinantayan ni Dragan Bender ang career-high niyang 23 points para pangunahan ang Golden State, may 21 si Andrew Wiggins.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?