Kulelat na Zark’s-Lyceum kampeon sa PBA D-League

Sharing is caring!

Umakyat mula sa pagiging kulelat, nakuha ng Zark’s-Lyceum ang tropeo sa pagpapatumba sa Che’Lu-San Sebastian Revellers, 92-82, sa best-of-three finals series nila sa PBA D-League Aspirants Cup, Martes ng gabi sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Kumawala ang Zark’s-Lyceum sa fourth quarter at napigilan sa iskoring ang Che’Lu-San Sebastian, 28-12, para angkinin ang una nilang titulo sa D-League.

Ani coach Topex Robinson sa kanyang players, na “love wins” at habang mahal nila at nagtitiwala sila sa isa’t isa ay magwawagi sila bandang huli.

Tinanghal si CJ Perez bilang Best Player of the Conference matapos magtala ng 26 points, 6 rebounds, 2 assists, at 8 steals sa panig ng Zark’s-Lyceum.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?