139

Jun 22, 2020 @ 21:58
By

Kulang sa tulog, nakakababa ng kasiyahan

Lumabas sa isang pag-aaral na may epekto sa mararamdaman ng isang tao kinabukasan ang kakulangan niya ng tulog.

Batay sa pag-aaral ng Norwegian University of Science and Technology, nakakaapekto sa emotional health ng isang indibiduwal ang kakulangan sa tulog.

Ayon kay Associate Professor Ingvild Saksvik-Lehouillier sa ulat ng Psychcentral, hindi nauuwi sa negatibong pakiramdam ang kakulangan sa tulog gaya ng pagka-depress kundi nakakababa ito ng kasiyahan o positibong pakiramdam.

Nababawasan ang ligaya, kasiglahan, atensiyon at fulfillment ng isang indibiduwal na kulang sa tulog.

Sa pag-aaral, pitong gabi pinatulog ang mga participant sa bahay batay sa kanilang nakagawiang haba ng tulog.

Sa huling tatlong araw ng pag-aaral, sinabihan silang bawasan ang haba ng kanilang tulog ng dalawang oras.

Pinag-test sila bago bumangon o magkape kung saan lumabas na angkop at mabilis sila sa pagsagot sa test.

Pero nang sumunod na test kung saan kulang na ang kanilang tulog, bumaba ang kanilang sigla sa pagsagot ng test.

Bumaba rin ang positibong emosyon ng participant matapos ang gabi nilang kulang sa tulog.

Na-publish ito sa journal na Sleep.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?